Last update: June 15, 2021 at 2:00 AM
Pansamantalang isinara ang Mangaldan Central School simula ngayong araw June 14, Lunes matapos umanong may mga ma-expose na empleyado sa nagpositibo sa COVID-19.
Sa post ng principal ng nasabing paaralan na si Ma’am Jeanette Labrador, minabuti niyang ipasara ang paaralan ngayong araw para umano sa proteksyon ng lahat. Sarado rin sa lahat ng mga naglalaro o nag-jo-jogging sa loob ng nasabing paaralan.

Inirekomenda naman ng Schools Division Superintendent na si Dr. Danilo Sison ang suspensyon sa trabaho at lahat ng aktibidad ng nasabing paaralan, maging ang work from home set-up ng mga na-expose na empleyado ng paaralan sa nagpositibo sa COVID-19.
Inaasahang babalik sa paaralan ang mga empleyado at mga transaksyon dito sa June 28, 2021.

Photo used on Featured Image from Google. Used here for non-commercial purposes.
Manatiling updated sa mga balita at kaganapan sa ating minamahal na bayan ng Mangaldan, mag-subscribe na para automatic makatanggap ng mga balita sa inyong email!




Leave a comment