February 25, 2021

Kabaleyan mararanasan ang siyam na oras na kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Mangaldan sa Sabado, February 27, 2021.
Ayon sa CENPELCO, mawawalan ng suplay ng kuryente mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.
Kabilang sa mga mawawalan ng suplay ng kuryente ay ang Barangay Guiguilonen, Barangay Embarcadero, Barangay Macayug, Barangay Inlambo, Barangay Navaluan, Barangay Osiem, Barangay Nibaliw, Bahagi ng Barangay Tebag, Serafica St., Abalos St., at San Jose St.
Kaya naman pinapayuhan ang mga kabaleyan na mag-charge na ng kanilang mga cellphone o iba pang gadget kagaya ng power bank para magkaroon ng power supply sa kanilang pangangailangan.


